Tuesday, October 12, 2004



Pano ka gigising ng umaga kung napakatagal ng gabi?
Pano ka aahon sa kadiliman ng gabi kung ang gabi ang humihila syo pababa?
Pano ka masisiyahan sa umaga kung nilunod ka na ng kalungkutan ng gabi?
Walang bituin sa langit
Lahat sila nagtatago mula syo dahil hindi nila mapawi
ang kalungkutan mo sa bawat hiling na isisigaw mo.
Pano ka na ngayon?
San ka pupulutin?
San ka sisilong sa ulang ng lungkot?
Sa basurahan?
Sa basurahang puno ng maduduming pangako
-adnileb

|